Tuesday, April 27, 2010

"WANDERING MIND"


Pakiwaring ang gabi
ay tila bingi
sa kaluskos ng
hanging tumatangay 
sa blangkong isip.

Ikaw, na pilit
na binubura sa
balintataw na
parang isang
maling salita
na hindi dapat 
bigkasin.

pumikit..
dumilat..
mga mata'y mahapdi.

Nalunod sa
isa, dalawa,,
at higit pang
patak ng mainit
na likidong 
tumutunaw sa
marupok na  gunita
ng isip.

ikaw, na iginuhit  sa 
naghihingalong
papel ng alaala..
Kailanma'y maaring
mapunit, magpiraso
at liparin,
sa hiwaga ng kawalan
hanggang sa tuluyang
mawala,...maglaho.




No comments:

Post a Comment