Tuesday, April 27, 2010

"Pusillaminous Heart"

Ilang tula,
istorya pa
ba ang dapat
maisatitik
ng pagal 
ko na mga
daliri..

Ilang panulat,
papel ang
dapat maubos
para maiparating
ang pakpak
ng aking hinaing..

Ano pa ba
ang dapat gawin
upang masilip
ng iyong mga
mata ang
madilim na 
butas na  
puno ng 
di- maarok na
damdamin  kung
saan nahihimlay ang
diwa kong pilit 
nagkukubli sa 
liwanag ng iyong
mga bituin.


No comments:

Post a Comment