Sunday, May 30, 2010

SUB- ROSA part 3

Isang guhit,
nagmula sa isang tuldok
hnggang sa isa pa.
Sinubukan kong
iguhit ka sa
hangin ngunit
ni-tuldok hindi
ko maaninag,
sorry...
kung sa kawalan
lamang kita
kayang iguhit,
at kung hawiin ka
man ng hangin
ay hindi ko mamamalayan.

Monday, May 24, 2010

SUB-ROSA part 1

Nabuo ka sa liko- likong
guhit ng kalungkutan.
Ninais kong baguhin,
ituwid,
ngunit naputol
at hindi ko na
magawang ibalik.


Tinangka kong burahin
ang guhit ngunit
tulad ng kandilang upos, wala.
hindi mabura na tila
marka na mananatiling
bakas, hindi ng nakaraan
o bukas kundi ng kasalukuyan.

Naisip ko sana
ginuhit na lamang
kita sa aking
mga palad,
baka sakaling  hindi na
kalungkutan
kundi kapalaran
ang magbubuo sa'yo sa akin.
Sa gayo'y mananatili ka
ng hawak ng mga kamay ko
at kailanma'y
hindi na kailangang
burahin at baguhin.